Ang Pardicolor ang makabagong Creative Arts Fund na nakatuon sa mga manlilikhang sining na nagbabahagi ng kanilang kakayahan sa pagsuporta sa buhay na ligaw (wild life), ekolohiya at kapaligiran (biological diversity) at isyung panlipunan (social issues) sa Timog Silangang Asya.
ANO ANG NAIS NAMING SUPORTAHAN?
Mga manlilikhang sining na nagsasagawa ng pagsasaliksik at mga likhang sining sa paraan nang iba’t ibang uwi ng media (kasali ang mga sumusunod nang may mga limitasyon; pagpinta, pag guhit, paglilok, pagkuha ng mga larawan, pelikula at panitikan) na nakatuon sa mga sumusunod na tema:
Gawaing nagsusulong sa aspetong pang soolohiya (zoology) ng Timog Siangang Asya (kabilang ang mammalogy, herpetology, ornithology at entomology) biolohiyang pandagat (marine biology) at botanika (botany).
Mga hindi kilalang uri ng buhay na ligaw at mga kawili-wiling agham pananaliksik o pangangalaga sa iba pang tulad na gawain.
Mga pag-aaral na natapos hinggil sa pakikipagtulungan ng mga tagapagpanatili, mananaliksik at mga sayantipiko.
Pagsalba ng isyu tungkol sa mga buhay na ligaw tulad ng pag labag sa batas na pagbebenta iba’t ibang uri ng hayop mula sa kanilang angkop na kapaligiran, pagnanakaw, pagkaubos at pagkasira ng natural na tahanan, krisis dulot ng pagkakaingin, labis na panghuhuli ng mga lamang dagat at polusyon dulot ng mga plastik o kemikal.
Supresahin nyo din kami!
SINO ANG MGA DAPAT MAGSUMITE NG APLIKASYON PARA MAPONDOHAN?
Ang mga manlilikhang sining mula sa Timog Silangang Asya at mga kinaraanang nagmula sa mga pangkat etniko ay hinihimok na sumali. Mangyaring ang lahat ng aplikasyon ay tatanggapin mula sa iba’t ibang nasyunalidad, subalit kailangan na ang aplikante ay naka himpil o naka base sa Timog silangang Asya lamang. Ang pakikipag ugnayan at pakikipagtulungan ng iba pang mga manlilikhang sining (artist), biologo (biologist), siyentipiko (scientist) atpb. Ay hinihikayat (subalit may pagsunod sa paggitan para sa COVID 19).
Hindi ka pweding mag magsumite ng aplikasyon kung ikaw ay;
Isang organisasyon
PARDICOLOR SA PANAHON NG COVID19
Ang mga gawaing sinuportahan ng Fund ay mailalathala sa Pardicolor website at ang pagtataguyod sa mga manlilikhang sining upang magsaliksik sa iba’t ibang mga online brodcasting o ang pagbabahagi ng mga pagpipilian na hindi nangangailangan ng personal na pakikipag-ugnayan (matapos ang COVID 19, aktwal na exhibits at mga gallery, unibersidad atbp. ay mariing hinihikayat)